Pangulong Duterte, nag-abot ng tulong sa pamilya ng mag-inang binaril-patay ng pulis sa Tarlac

Nag-abot na ng tulong si Pangulong Rodrigo Duterte sa pamilya ng mag-inang Sonya at Frank Gregorio na binaril-patay ni Police Senior Master Sergeant Jonel Nuezca sa bayan ng Paniqui Tarlac noong Linggo.

Ito ang inihayag ni Senador Bong Go sa panayam ng mga miyembro ng Davao Media, Martes ng hapon.

Ayon kay Go, nakausap umano nito ang kapatid ni Frank at humingi rin ng tulong dahil naiwan ni Frank ang kanyang isang taong gulang na anak.

Sinabi ng Senador na kahit na anong tulong ay iaabot ng pangulo sa kanilang pamilya at nangako umano ito na maibibigay ang hustisya sa pagpatay sa mag-ina.

Kasama rin sa sasagutin umano ng pangulo ang pagpapalibing ng mga biktima para kahit paano ay maibsan ang kanilang iniisip.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.