Pangulong Duterte, nagbabala sa mga ‘Ninja Cops’ na makakatikim sa kanya pagbalik niya ng Pilipinas

Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na makakatikim sa kanya ng upak ang mga tinaguriang ‘ninja cops’ pagbalik niya ng Pilipinas.

Ganunpaman, sinabi ng Pangulo na bagamat natukoy na sa mga isinagawang imbestigasyon ng Senado ang mga sangkot na pulis sa “drug recycling” ay nais niya pa ring umiral ang “due process”.

Ito aniya ang dahilan kung bakit pinai-imbestigahan niya kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año ang tungkol sa ‘ninja cops’ at mula doon ay maaksyunan ang mga sangkot sa kriminal na gawain.

Sinabi ng Chief Executive na galit siya sa mga ito at titiyakin niyang mauubos ang mga tiwaling pulis na nakikipaglaro sa sindikato ng droga bago matapos ang kanyang termino sa 2022.

Sa kabilang dako’y hindi na nabanggit pa ng Pangulo ang tungkol sa “dalawang heneral” na una na nitong sinabi sa kanyang event sa Valdai Forum sa Sochi, Russia na aniya’y patuloy na dawit sa kalakaran ng ipinagbabawal na gamot.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.