Pangulong Duterte, nagbabala sa mga NPA sa mga ginagawang karahasan sa Negros Oriental

Puno na si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga karahasang inihahasik ng New People’s Army (NPA) sa lalawigan ng Negros Oriental.

watch the video here:

Sa kalatas na inilabas ng Malacañang, inihayag nitong sobra na ang ginagawa ng grupo ng NPA at ikinukunsidera na ng Chief Executive na gamitin ang kanyang emergency powers, para mawakasan lang ang mga gulong pinaggagagawa ng rebeldeng grupo sa lalawigan.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Spokesperson Salvador Panelo, sinamantala na ng mga rebeldeng komunista ang nagaganap na land dispute sa Negros at inaring parang kanila na ang probinsiya.

Mistulang sila din ani Panelo, ang nagpapasya sa kung sinu-sino ang dapat na magmay-ari ng mga lupain sa lalawigan.

Kaya babala ng Pangulong Duterte, tatapatan ang inihahasik na kaguluhan ng NPA rebel group sa mga inosenteng sibilyan at mga otoridad sa lugar.

Una dito ay itinaas na ng Pangulo sa P5-milyong ang reward money sa sinumang makakahuli sa mga pumatay sa apat na pulis sa Negros, buhay man o patay.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.