Pangulong Duterte, nagbigay ng 15 araw ultimatum sa napalayang 1,700 convicts kapag ‘di sumuko, dead or alive

Binigyan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng 15 araw na ultimatum ang napalayang 1,700 preso na heinous crimes convicts mula pa noong 2014, isang taon matapos maamiyendahan ang Good Conduct Time Allowance (GCTA) law.

watch the video here:

Sinabi ni Pangulong Duterte na sa mga araw na ito ay kailangan ng mga itong sumuko at magparehistro sa Bureau of Corrections (BuCor) at gawing available ang sarili kapag ipinatawag para maimbestigahan.

“Then I would address myself ‘yung lahat nakulong at na-release sa batas na ito, 1,700 of you, you surrender and have yourself registered with the BuCor. I will give you 15 days liberty provided you make yourself available anytime that you will called for investigation to have a recomputation or if there’s an investigation of corruption that you cooperate fully,” ayon kay Pangulong Duterte.

Kung hindi aniya susunod ang mga ito sa kanyang ultimatum ay ituring na ang kanilang mga sarili bilang mga pugante.

Ita-trato aniya ang mga ito bilang mga criminal at takas mula sa batas.

“If you do not, then beginning at this hour, you are a fugitive from justice. And you will be treated as a criminal who is evading the law and well you know things can go wrong. If I were you mag-surrender na kayo to the nearest police or military detachment wherever you are now,” aniya pa rin.

Kaya, makabubuti aniya na sumuko na lamang sa malapit na himpilan ng pulisya o military detachment kung nasaan man ang mga ito.

“Because I do not need to have a warrant. I will just order them and I take full responsibility for this. And all consequences connected with this decision will be mine and mine alone,” ani Pangulong Duterte.

Pwedeng barilin at mapatay ng mga alagad ng batas ang mga convicts ng heinous crimes na pinalaya sa pamamagitan ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law kung hindi sila susunod sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na sumuko sa loob ng 15 araw, ang babala ni Senator Bong Go kahapon.

Sa kanyang pahayag, sinabi ni Sen. Go na ang muling pag-aresto sa mga convicts na nakalaya sa pamamagitan ng GCTA Law ay upang maitama ang pagkakamali ng prison authorities na nag-release sa kanila.

“Sa ngayon, binibigyan sila ng oportunidad na magsurrender. If ayaw nila magsurrender, considered fugitive na sila at danger to the public so shoot to kill if they resist arrest,” anang senador.

Binigyang diin ng Pangulo na handa aniya siyang maimbestiga at ma-impeach.

Handa rin aniya siyang magbitiw sa tungkulin kung kinakailangan.

“But that is my decision and that is mine and mine alone. So anybody acting upon my orders will be treated as exercising good faith,” ayon sa Pangulo.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.