Pangulong Duterte, naging susi para maibalik ang Balangiga Bells sa Pilipinas

Pagbabalik ng Balangiga Bells, dahil na rin sa pagpupursige ni Pangulong Duterte
Hindi maitatanggi na kung hindi dahil kay Pangulong Rodrigo Duterte ay hindi makakabalik ang Balangiga Bells mula sa poder ng Amerika.

Ito ang sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo kasunod ng matagumpay na pagkakabalik ng nasabing mga kampana ngayong araw sa Pilipinas.

Inihayag ni Panelo, na batid naman ng Pangulo ang nalikhang lalim na sugat sa puso at damdamin ng mga taga-Balangiga, Samar kaya ipinursige nito ang pagbawi sa tatlong kampana.

Kaugnay nito’y sinabi ni Panelo, na ang Presidente ang personal na maghahatid sa mga kampana sa Balangiga sa darating na Sabado, Disyembre 15.

Nanatili ng 117 taon sa poder ng Amerika ang Balangiga bells at pagkalipas ng mahabang taon ay saka lamang muling naibalik ito sa Pilipinas bunsod ng ginawang pagpupursige ng Pangulo.

Isa si Panelo sa mga sumalubong sa hand-over ng Balangiga bells sa Villamor Airbase, Pasay City, kasama sina Executive Secretary Salvador Medialdea at Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar.

Balangiga Bells

“It was the right thing to do,” ito ang sinabi ni U.S. Ambassador Sung Kim, kaugnay ng pagsauli ng Estados Unidos sa Pilipinas ng pamosong Balangiga Bells.

Sa isang press conference matapos ang handover ceremony ng Balangiga Bells sa Villamor Airbase ngayong umaga, sinabi ni Kim na naramdaman ng Amerikano na panahon na para tuldukan ang isyu na naging tinik sa ugnayan ng Pilipinas at Estados Unidos sa nakalipas na 100 taon.

Nauna dito, inihayag ni Kim na ang maramdamang panawagan ng Pangulo sa kanynang 2017 State of the Nation Adress (SONA) sa US na isauli ang mga kampana ay napakinggan ng mga politacal leaders sa Estados Unidos.

Sinabi naman ni Lorenzana na ang pagkakasauli ng mga kampana ay resulta ng pagsisikap ng maraming tao sa nakalipas na 50 taon na pinagtatalunan ang isyu sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.

Sa kanyang panig sinabi naman ni Defense Undersecretary Reynaldo Mapagu, na ang pagsauli ng Amerika ng mga kampana ay pagpapakita ng kanilang pagrespeto sa matagal ng alyansa ng Pilipinas at Estados Unidos.

Read: After 117 years Balangiga bells now back PH, Duterte kissed & rang Balangiga bells at turnover ceremony

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.