Pangulong Duterte, nagpaabot ng pagbati sa mga Pilipino ngayong Kapaskuhan

Nagpaabot na nang pagbati si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng Maligayang Pasko sa sambayanang Filipino.

Ngayong araw na bisperas ng Kapaskuhan ay nanawagan siya sa mga mamamayang Filipino na hayaan na ang kasaysayan ng buhay ng Poong Hesukristo ay magpaalala sa lahat na kailangan na laging may pag-asa kahit na sa kadiliman, kahirapan at pagdurusa.

“My fellow Filipinos, this year has been a trying time for all of us. Many lives were lost and forever changed due to COVID-19 pandemic and several natural calamities. But through it all, we continue to survive and rise because of our unity, strength and indomitable spirit of (the) Filipinos,” ayon sa Pangulo.

Hayaan din aniya na pumasok at manahan ang Poong Hesukristo sa buhay ng bawat isa upang makapagbigay ng pagmamahal at kasiyahan hindi lamang sa pamilya at kaibigan kundi maging sa mas nangangailangan nito.

“May we all have a meaningful celebration and let us be hopeful for the better days ahead. Maligayang Pasko sa ating lahat,” ayon sa Pangulo.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.