Pangulong Duterte, Nagpalabas ng bastos na learning module kasuhan

Pabor si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na kasuhan ang mga taong gumawa ng learning module na naging viral dahil sa paggamit ng dirty names.

Iyon ay dahil maraming mga kabataang mag-aaral ang nakakita ng nasabing materyales sa Facebook.

Sa public address ng Pangulo, Lunes ng gabi ay sinabi nito na pinag-uusapan na ng pamahalaan ang ukol sa “punishing” laban sa mga taong nasa likod ng kontrobersiyal na materyales, dahil naging viral sa Facebook, isang platform na ginagamit ng mga kabataan.

“About a good percentage of our studentry is really dependent already [on] Facebook and whatever learning that they could get from there,” ayon sa Chief Executive.

“Kami nag-uusap kung what sort of punishment [to give]. If [it’s a] minor, we’ll have to deal with a minor. Pero kung matanda na ‘yan, ipadala mo sa Maynila, sampalin ko,” dagdag na pahayag nito.

Kaugnay nito, sinabi naman ni DILG Sec. Eduardo Año na kasalukuyan nang tinitingnan ng Department of Education (DepEd) at Philippine National Police (PNP) ang bagay na ito.

“Magbibigay po kami ng rekomendasyon. Maganda po talaga na tuluyan ng kaso ito para ‘wag pong pamarisan,” ayon sa Kalihim.

Sinang-ayunan naman ni Pangulong Duterte si Año.

Samantala, ipinanukala naman ni Pangulong Duterte na kailangan na mahigpit na i-monitor ang nilalaman ng Facebook upang maiwasan na maulit ang nasabing insidente.

“Facebook is as wide as the universe. It can create… lahat. It can create bastos. It can create trouble, wala nang magawa,” ayon sa Punong Ehekutibo.

“It has opened a Pandora’s box. Lumalabas na lahat ng kaputahan na maisip ng tao, na ilagay niya . It has opened Pandora’s box and I think that we should be stricter more often,” dagdag na pahayag ng Chief Executive.

Sa ulat, viral ngayon sa social media ang isang module na ibinahagi ng isang netizen na kung saan mga kakaibang pangalan ang nilagay.

Sa isang Facebook post, ibinahagi ni Reyson Lee ang nasabing larawan na ikinagugulat ng maraming netizen.

Ayon kay Lee, Module raw ito ng kanyang kapatid na 16 taong gulang at galing umano ito sa isang private catholic school.

Ayon sa Facebook post ni Lee:

”So my sister (who is a minor) sent me some situational questions from her module and I saw this. Seriously? Dirty names in the choices? 🙄 DepEd PhilippinesPS. My sister is just 16 and she’s enrolled in a Private Catholic School.PPS. I’m not blaming DepEd for this. I only mentioned the page to raise awareness about the content with double meaning.”

Ang module ay gumamit ng pangalan na sinasabing “played with words with sexual innuendos.”

Kabilang dito ang : “Pining Garcia,” “Abdul Salsalani,” “Malou Wang” at “Tina Moran.”

Para naman kay Education Secretary Leonor Briones, ang kontrobersiyal na material ay hindi pinrodyus (produced) ng DepEd.

Ito aniya ay galing sa review center.

“It’s not DepEd. It’s a material produced by a review center for teachers for particular subjects. Nonetheless, that’s still dirty language. It’s not appropriate at all,” ayon kay Sec. Briones.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.