Pangulong Duterte, nagpaliwanag sa matinding pananakit ng likod

Matinding sakit sa likod ang nararamdaman ni Pangulong Rodrigo Duterte kaya nagpasyang hindi tapusin ang tatlong araw na biyahe nito sa Japan.

watch the video here:

Sa live video ng Pangulo mula sa Facebook page ni Senador Bong Go habang papunta ng airport para umuwi na ng Pilipinas, ikinuwento ng Pangulo ang aksidente nito sa kanyang motorsiklo nitong nakalipas na linggo.

Ayon sa Pangulo, hindi niya matiis ang sakit sa kanyang likod mula sa pagsemplang sa motorsiklo.

Nasa bahagi aniya ng nilalapatan ng belt sa kanyang likod ang nararamdaman nitong sakit.

Sinabi ng Pangulo na kapag nagmomotor ang isang tao ay nakakatikim talaga ng aksidente minsan o dalawang beses sa kanyang buhay.

“Magandang gabi po sa inyo mga kababayan kong Pilipino. Alam mo four days ago sumemplang ako sa motor. Eh pag nakamotor ka talagang once or twice sa buhay mo, makatikim talaga ng semplang. Lahat ng nagmo-motor sumesemplang, gaya sa akin. Ang ano lang parang hindi ko matiis ‘yung… sa belt banda, three inches medyo masakit,” anang Pangulo.

Paggising aniya nitong Martes ng umaga ay naramdaman niya ang matinding sakit sa kanyang likod.

“Eh nag-toothbrush ako kanina paggising ko, talagang…,” dagdag ng Pangulo.

Batay sa ilang mga larawang ipinadala ni Senador Bong Go habang sila ay nasa Japan, mababanaag sa itsura ng Chief Exevutive na may idinadaing itong sakit sa kanyang katawan.

At sa video message nito ay kanyang sinabi na nasa tatlong inches ang nararamdaman niyang sakit na nasa bandang sinturunan na tila hindi niya na matiis.

Pero sinabi ng senador na iniwan ng Presidente sa sasakyan ang tungkod nang dumalo sa seremonya sa Imperial Palace kaugnay sa pagluklok sa trono ni Emperor Naruhito.

Nakatakdang magpatingin ngayong araw na ito sa kanyang manggagamot si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang gagawing konsultasyon ng Presidente sa kanyang neurologist ay sa gitna ng iniinda nitong pananakit sa kanyang gulugod malapit sa balakang na maaaring may kaugnayan sa nangyaring aksidente nito sa motorsiklo nuong isang linggo.

Dumating kahapon sa Japan ang Pangulo para sa enthronement rites ng bagong emperor nito at makikita sa ilang mga kuhang larawan na ito’y gumamit ng tungkod.

Matatandaang sumemplang sa motorsiklo ang Punong Ehekutibo nuong isang linggo at tumanggi itong magpatingin sa doktor matapos na maaksidente.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.