Pangulong Duterte, nagparehistro na para sa National Identification System

Rehistrado na si Pangulong Rodrigo Duterte para sa National Identification System.

Isinagawa ang pagpaparehistro ng Chief Executive sa Malacañang kung saan ay sinadya na lang ito ng mga taga-Philippine Statistics Authority (PSA).

Sa photo release ng Palasyo, sumailalim sa biometric information ang Pangulo at pagkatapos dumaan sa nasabing proseso ay nag-thumbs up ito.

Kasabay ding nagparehistro ng Punong Ehekutibo sina Executive Secretary Salvador Medialdea at Senador Bong Go.

Nilagdaan ng Pangulo ang Republic Act 11055 o Philippine Identification System Act noong August 2018.

Layunin ng batas na magkaroon ng single national ID ang bawat Filipino at resident aliens na dito’y pinaniniwalaang mas mapapabilis ang transaksyon sa mga tanggapan ng gobyerno habang mas madali ding matutukoy ang masasamang elemento ng lipunan.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.