Pangulong Duterte, nais ipa-subpoena ang ina ni Trillanes

Nais na ipa-subpoena ng Pangulong Rodrigo Duterte ang ina ni Senador Antonio Trillanes IV na si Gng. Estelita Trillanes.

Ito ay kaugnay ng mga transaksiyon na pinasok ng ginang sa Philippine Navy bilang supplier.

Sa event na dinaluhan ng Pangulo kagabi, muling nabanggit ng Presidente ang senador na aniya’y sumusobra na.

Sinabi ng Chief Executive na asahan na ang ikakasang imbestigasyon tungkol sa umano’y iregularidad na kinasasangkutan ng ina ng mambabatas sa mga susunod na araw.

Mayroon aniya siyang contempt power, pero kinakailangan niya munang magtungo sa korte kasabay ng pahayag na sa ayaw at gusto ni Trillanes, gagawin niya ang naturang hakbang kontra sa ina nito.

November 2018 nang unang sabihin ng Pangulong Duterte na iniimbestigahan na nila ang mga transaksiyong pinasok ng mga magulang ng senador sa Philippine Navy.  

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.