Pangulong Duterte, nais na matukoy ang mga kuwestiyonableng infrastructure projects

Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ay nais matumbok ang mga kawatan na aniya’y nakikinabang sa mga infrastructure projects lalo’ t kabi- kabila at nagpapatuloy ang mga proyekto sa ilalim ng Build, Build, Build.

Sinabi ng Chief Executive na nais niyang malaman ang mga proyektong nasasakripisyo ng dahil sa korupsiyon na kung saan, ang isang deklaradong 50 million peso project halimbawa, ay nagiging tatlumpung milyon na lamang dahil ang 20 milyon ay napupunta sa bulsa ng mga kawatan.

Ang naturang pagpupursige ng Pangulo ay kaakibat na rin aniya ng tuloy tuloy na transparency sa mga ipinatutupad na mga proyekyong imprastraktura ng pamahalaan.

Kaugnay nito’y muling binigyang diin ni Pangulong Duterte ang kanyang kagustuhan na mailathala sa mga pangunahing pahayagan ang mga under negotiation projects gayundin ang mga tapos nang mai- bid at mga nakumpleto ng proyekto.

Sa ganitong paraan sabi ng Punong Ehekutibo ay malalaman ng lahat ang mga ibini-bid na projects, saan at magkano ang proyekto at sino ang nanalong bidder sa isang proyekto.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.