Pangulong Duterte, nakakuha ng pinakamataas na approval and trust rating

Pito sa 10 mga Pilipino ang nagbigay ng mataas na approval rating kay Pangulong Rodrigo Duterte. 

Ito ang lumabas sa survey ng Publicus Asia Inc., para sa kanilang Pahayag 2020 Year End Survey mula December 3 hanggang December 9, 2020.

Sa naturang survey, nakakuha ang Pangulo ng 69. 9% na approval rating habang 62.3% naman na trust rating o anim sa 10 Pilipino ang patuloy na nagtitiwala sa kanya. 

Pumangalawa naman sa kanya si Senate President Vicente Sotto III kung saan nakakuha siya ng 46.9% na approval rating habang 30% na trust rating. 

Si Vice President Leni Robredo naman ang nasa ikatlong pwesto na mayroong 34.7% na approval rating habang ang trust rating ay 23.3% o dalawa sa 10 Pilipino ang nagtitiwala sa kanya. 

Nasa pang-apat na pwesto si Supreme Court Chief Justice Diosdado Peralta na mayroong 30.7% na approval rating at 18.5% na trust rating. 

Nasa huling pwesto si House Speaker Lord Alan Velasco na mayroong 29.7% na approval rating at 18.1% na trust rating. 

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.