Pangulong Duterte, namigay ng P500k sa asawa ng limang nasawing sundalo sa Jolo Sulu bombing

watch the video here:

Pinagkalooban ng financial assistance na P500,000 ni Pangulong Duterte ang asawa ng limang sundalo na nasawi sa Jolo, Sulu bombing.

Aabot sa kalahating milyong piso ang tulong pinansiyal na ibinigay ng Presidente sa limang biyuda na galing sa pondo ng Presidential Special Financial Assistance Fund.

Maliban sa P500,000 pisong tulong na iniabot ng Pangulo sa asawa ng limang sundalong nasawi sa Jolo blast, napag-alamang makatatanggap din ito ng buwanang pension.

Ang pagkakaloob ng tulong ay ginawa ng Pangulo nang bisitahin nito ang pamilya ng may 32 sundalo na napabilang sa killed in action mula February 2016 hanggang 2019.

Bukod kay dating Special Assistant to the President Bong Go, kasama rin ng Pangulong Duterte sa ginawa nitong pagbisita sina Defense Secretary Delfin Lorenzana, Labor Secretary Silvestre Bello at National Housing Authority (NHA) General Manager Jun Escalada para maasikaso ang mga naulilang pamilya ng mga nasawing sundalo at matugunan ang mga kailangan pa nito na may kinalaman sa pabahay at trabaho.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.