Pangulong Duterte, nananatili ang paninindigan para sa pagbabalik ng death penalty

Muling nanindigan si Pangulong Rodrigo Duterte para sa muling pagbuhay ng parusang kamatayan.

Basta’t karumal dumal na krimen lalo na’t ginawa ang krimen sa mga inosente sabi ng Pangulo ay dapat pang na maibalik ang capital punishment.

Sinabi ng Pangulo na hindi naman pinawalang saysay kundi sinuspinde lamang ang death penalty.

Kaugnay nito’y sinabi naman ng Pangulo na hanggang ngayo’y hindi pa rin daw maintindihan ng human rights ang sitwasyon lalo na ng mga pulis na kailangang depensahan ang kanilang mga sarili laban sa mga kriminal.

Hindi aniya drama lang ang panlalaban at pang-aagaw ng baril ng ilang mga nahuhuling kriminal na noong alklade pa lamang siya’y tatlo niyang mga pulis ang nalagas dahil sa ganitong mga insidente.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.