Pangulong Duterte, nanawagan ng pagkakaisa sa kanyang partidong PDP-Laban

Hinikayat ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang kanyang mga kapartido sa Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) na magkaisa para sa interes ng bansa.

Sa isang video message, nanawagan si Pangulong Duterte sa PDP na magkaisang tumindig hindi para sa personal na interes, bagkus, sa prinsipyo na pagsilbihan ang bansa.

“I call on of my party mates to stand together and remain united not by personal interest but by our principles and values as we carry the future of our party and the rest of the nation,” pahayag ni Pangulong Duterte.

Hinimok din ng Punong Ehekutibo ang kanyang party mates na manatiling tapat sa misyon ng partido na pangalagaan ang kapakanan ng mamamayang Pilipino lalo na ngayong panahon ng pandemya.

“I thus urge all my party mates for staying true to the party’s mission; it has always been to prioritize the welfare of our people,” ani Duterte.

Mensahe pa ni Pangulong Duterte, sa ilang taon, ang PDP Laban ay nagdudulot ng malaking pagbabago sa political landscape ng bansa sa pamamagitan ng pagkamit ng genuine reforms at good governance sa nasyonal at lokal na lebel.

Samantala, nagpasa ng isang resolusyon ang PDP-Laban para hikayatin si Pangulong Duterte na tumakbo bilang ikalawang pangulo ng bansa sa 2022 elections.

Agad naman itong sinang-ayunan ng mga party members sa isinagawang PDP-Laban national council meeting sa Cebu City nitong Lunes na pinangunahan ni Energy Secretary at PDP-Laban Vice Chair Alfonso Cusi.

Nakasaad naman sa resolusyon ang pagpili ni Pangulong Duterte ng kanyang magiging running-mate na tatakbo bilang presidente sa eleksyon sa susunod na taon.

“If the President thinks it is God’s will, he will make the proper announcement in due course,” pahayag ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque sa tanong kung tatakbo bilang vice president si Pangulong Duterte para sa eleksyon 2022.

Nabatid na unang inihayag ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na dapat tumakbo si Pangulong Duterte bilang bise presidente at maging kaalyado ng kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte sa 2022 election.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.