Pangulong Duterte, nanawagan sa publiko na magtiwala sa gobyerno kaugnay sa pag-angkat ng bakuna kontra COVID-19

Umapela si Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko na ibigay ang tiwala nito sa pamahalaan sa gitna ng mga hakbang na ginagawa nito na may kinalaman sa pag-angkat ng mga bakunang pangontra sa COVID-19.

Ang pahayag ay ginawa ng Chief Executive sa gitna ng pagbibitiw ni VP Leni Robredo ng mga salitang aniyay half- truth na may kinalaman sa proseso ng pag- aangakat ng mga donasyong bakuna.

Ayon sa Pangulo, nagdudulot lamang ng pagdududa sa mga tao ang mga binibitiwang pahayag ng Bise Presidente na sa halip na makatulong ay nagsisilbing pampagulo pa dahilan para siya’y magalit.

Kaya panawagan ng Punong Ehekutibo, sa gobyerno lang makinig gayung bawat hakbang na ginagawa nito ay masusing pinag-aaralan.

Pahabol namang mensahe nito sa Pangalawang Pangulo, manahimik na lamang kung wala rin lang masasabing tama.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.