Pangulong Duterte, napamura sa pagpatay sa 16-anyos na binalatan ang mukha sa Cebu

watch the video here:

Hindi itinago ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kaniyang galit sa karumal-dumal na pagpatay sa isang estudyante sa Cebu City na binalatan ang mukha, tinadtad ng saksak at hinihinalang ginahasa ng hindi pa nakikilalang mga salarin.

Sa kaniyang talumpati sa campaign rally ng PDP-Laban sa Ilagan City, Isabela kagabi, poot ang nararamdaman ng Pangulo sa ginawang pagpatay sa 16-anyos na biktima.

Hindi naniniwala ang Pangulo na kulto ang may kagagawan nito kundi mga bangag sa ipinagbabawal na gamot.

“Maniwala kayo diyan kulto-kulto binabalatan ang mga mukha. Reypin ang 5 year old na bata. May pinatay at binalatan ang mukha tapos ‘yung iba four months old ‘yung na-rape, patay na ‘yung gumawa, p___ ka mauna ka sa impiyerno leche!” saad ng Pangulo.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.