Pangulong Duterte nasa hiwalay na chamber sa paghahatid sa kanyang ika-5 SONA

Ihihiwalay sa mga bisita si Pangulong Rodrigo Duterte kapag iniulat niya ang kanyang ikalimang state of the nation address (SONA) sa Hulyo 27.

Ito ang inihayag ni Cabinet Secretary Karlo Nograles noong Hulyo 22, at sinabing pupunta pa rin ang Pangulo sa Batasang Pambansa sa Quezon City ngunit nasa isang hiwalay na chamber ito malayo sa mga bisita para maiwasan ang pagkalantad sa coronavirus disease (Covid-19).

“He (Duterte) will be addressing the nation from the same podium, but for the safety of all the members of Congress and the employees of the House, he will deliver his SONA in a chamber that will not be filled by the legislators, officials, and dignitaries that usually attend this function,” ayon kay Nograles.

Sa kabila nito, sinabi ng kalihim na hindi naman mababawasan ang importansya ng mensahe ng Pangulo.

Aniya, “Such a report is more important now, more than ever, as government works to chart a safe course for our country as it navigates through unfamiliar and uncertain times, as it works to recoup the gains we have made in the President’s first three and a half years.”

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.