Pangulong Duterte, nilagdaan ang panukalang bubuo sa Professional Regulatory Board of Fisheries

Sa ilalim ng Republic Act No. 11398 o Philippine Fisheries Profession Act, itatatag na ang Professional Regulatory Board of Fisheries na siyang bubuo ng mga regulasyon alinsunod sa probisyon ng batas.

Bubuiin ang board na ito ng isang chairperson at apat na miyembro, at sila ang siyang mangangasiwa sa pagsusulit para sa mga nagnanais pumasok sa fisheries profession.

Ito rin ang mangangasiwa at magre-regulate ng mismong licensure, registration, at practice ng fisheries profession.

Ipinagbawal naman sa batas ang pagpractice ng fisheries profession ng walang certification, at ang pagkuha ng mga di lisensyadong fisheries professionals.

Ang mga lalabag ay maaaring magmulta ng di bababa sa ₱50, 000 at di higit sa ₱500,000 o kulong na di bababa sa anim na buwan.

Nilagdaan ng Pangulo ang panukala noong ika-22 ng Agosto, at magiging epektibo 15 araw matapos mailathala sa mga pahayagan.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.