Pangulong Duterte, nilagdaan na ang dokumento na nagtatalaga kay VP Robredo bilang drug czar

Inilabas na ngayon ng Malacañang ang dokumento na nagtatalaga kay Vice President Leni Robredo bilang drug czar.

watch the video here:

Sa memorandum na ini-release ngayon ng Palasyo, October 31 nilagdaan ng Pangulong Rodrigo Duterte ang nabanggit na dokumento na nagtatalaga kay Robredo upang maging bahagi ng anti-illegal drugs campaign ng gobyerno sa ilalim ng Duterte administration.

Kalakip sa memorandum ay ang direktiba sa Philippine Drug Enforcement  Agency (PDEA), Philippine National Police (PNP) at Dangerous Drugs Board (DDB) na ibigay ang lahat ng kooperasyon nito sa Bise Presidente sa gitna ng gagawin nitong pangunguna sa anti-drug war ng gobyerno nang hanggang June 30, 2022.

Matatandaang nag-demand ang kampo ng oposisyon na maglabas ang Malacañang ng pormal na alok sa Vice President para pamunuan nito ang kampanya ng pamahalaan kontra iligal na droga.

Hirit ng oposisyon, mag-isyu ng official communication para sa naturang alok na maging drug czar ang Pangalawang Pangulo na tinugon naman ng Pangulong Duterte sa pamamagitan ng memorandum mula sa Pangulo na pirmado nito ng nakaraang Huwebes lamang.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.