Pangulong Duterte, nilagdaan na ang student discount sa pampublikong transportasyon

Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukala na layong gawing permanente ang pagbibigay ng student discount sa mga estudyante na sumasakay sa mga pampublikong transportasyon.

Base sa Republic Act. No. 11314, minamandato na ang pagbibigay ng 20% discount sa estudyante basta’t makapagprisenta ng school ID, o enrollment form na suportado ng government issued identification document.

Sasakupin nito ang lahat ng pampublikong transportasyon tulad ng bus, jeep, taxi, tricycle, tren, eroplano at iba pa.

Hindi naman kasama dito ang school service, shuttle service, tourist services at iba pa.

Posibleng masuspinde ang lisensya o magbayad ng multa ang mga driver o public transport utilities na lalabag dito, habang pananagutin rin sa batas ang paggamit ng pekeng school ID o dokumento para lamang makakuha ng discount.

Iniatas naman sa Department of Transportation (DOTr) at ibang attached agencies ang paggawa ng implementing rules and regulations (IRR) ng naturang batas.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.