Pangulong Duterte, pabor na isapubliko ang mga ‘narco-cops’ o mga ‘tiwaling pulis’ na sangkot sa ilegal na droga

Pinamamadali na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ginagawang cross validation sa listahan ng mga ‘narco-cops’ o mga tiwaling pulis na isinasangkot sa pagrerecycle ng mga ilegal na droga.

Ayon kay Senador Christopher ‘Bong’ Go, sa ngayon ay kinakalap na ng Pangulo ang mga listahan at report na mula sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno, gaya ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at intelligence community.

Saka ito isasailalim sa cross validation upang matiyak na isandaang porsiyentong totoo ang impormasyon

Sinabi rin ni Go, na pabor si Pangulong Duterte na isapubliko ang pangalan ng narco cops dahil karapatan aniya ng publiko na malaman ang impormasyong ito.

Sa ngayon, ay pinapamadali na ng Pangulo ang pagbeberipika ng mga impormasyong ito upang mapanagot agad ang mga tiwaling pulis na ito.

Posible aniyang ngayong linggo, ay personal na isapubliko ni Pangulong Duterte kung sinu-sino ang mga narco cop na ito.

Matatandaang sa pagdinig ng senado tungkol sa GCTA nooong nakaraang linggo, himingi si dating PNP-CIDG Chief Benjamin Magalong ng executive session sa mga senador at dito niya binigay ang listahan ng mga pulis na sangkot sa ‘agaw-bato’ modus o ang pagrerecycle ng mga nasabat na ilegal na droga.


Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.