Pangulong Duterte, palalakasin ang pwersa vs. terorista

Nagkaroon ng dahilan si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na mas lalo pang palakasin ang puwersa nito para durugin ang mga lawless elements partikular na ang mga terorista matapos ang twin bombing sa Jolo, Sulu kamakailan.

Sa naging mensahe ng Pangulo sa kanyang naging pagbisita kagabi sa nasabing lugar, sinabi nito na ang pagbomba sa nasabing lugar na nagresulta ng pagkamatay ng ilang sibilyan at mga sundalo ay sapat ng dahilan para mas palakasin ang puwersa para durugin ang mga lawless elements na nasa likod ng kaduwagang pagkilos na ito.

“To our troops I stand in solidarity with you as we honor the memory of your comrades, my soldiers, who gave their lives in the name of peace here in Sulu,” diing pahayag ng Pangulo.

Sa ilang dekada na aniya, ang progreso sa Mindanao ay palaging nahahadlangan ng banta ng insurgency at extremism.

“Kung wala lang ho sana itong the seed of hatred na nakalagay sa isip from generation to generation sana ngayon maganda na ang buhay para sa lahat,” ayon sa Chief Executive.

Ang masaklap aniyang pangyayaring ito ay isa lamang sa maituturing niyang “countless incidents” na magpapatunay na hindi dapat maging kampante ang pamahalaan pagdating sa terorismo.

“Lagi ninyong tandaan na ang kaligtasan ng ating mamamayan at mga komunidad ang inyong prayoridad,” giit ng Pangulo.

“Right now, our entire nation is dealing with the global health crisis yet enemies of the state will still find the energy to perpetuate the acts of violence and terrorism,” dagdag na pahayag ni Pangulong Duterte

Ngayon aniya ay mas kailangan ng bansa ang Armed Forces para tiyakin na ang mga terorista ay hindi magtatagumpay sa kanilang walang katuturan at walang kuwentang layunin.

“By choosing to fight for your country here in Sulu, you honor the ultimate sacrifice of your fellow soldiers and the countless others who fought before you,” aniya pa rin.

Batid aniya na ang nagpapatuloy na pandemya ay hindi lamang ginawang komplikado ang responsibilidad at paghihirap ng mga sundalo dahil sa diwa ng hindi pagiging makasarili ay nanatili aniya ang mga ito na matatag sa kanilang misyon para sa mga Filipino.

“Because of this, I am humbled by your commitment, inspired by your patriotism and grateful for a continued support. Bilang isang Pilipino ibibigay ko sa inyo ang lahat ng suporta na kailangan ninyo para matupad ang inyong misyon dito sa Jolo. I commit myself to work with you my dear troops to ensure that these terrorists will have no future in this country,” diing pahayag ng Pangulo.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.