Pangulong Duterte, pinagpapaliwanag ang concerned gov’t officials sa paglaya ng inmates na sentensyado ng heinous crime

Papagpapaliwanagin ni Pangulong Duterte ang mga kinauukulang  opisyales ng pamahalaan na nasa likod ng umano’y pagpapalaya sa may 1,914 na mga nahatulang bilanggo dahil sa iba’t ibang heinous crimes.

Base na rin ito sa naging rebelasyon ni Senador Panfilo Lacson, na magmula noon pang 2013 ay pumapalo na sa ganung bilang  ang napalayang inmate dahil sa pagpapakita ng good behaviour, alinsunod sa itinatakda ng RA 10592.

Ayon kay Senador Bong Go, na kasama sa official visit ng Pangulo sa Beijing, China, ngayon lang nakarating sa kaalaman ng Pangulo ang naturang impormasyon.

Ilang mga mamamahayag kasi ang nagpatanong kay Senator Go para sa Pangulo,  kung ano ang magiging aksiyon nito kaugnay ng naturang pahayag ni Lacson.

Kaya tugon  ng Pangulo ayon kay Senador Go, hihingan ng Presidente ng paliwanag ang mga kinauukulan kung bakit nakalaya ang halos dalawang libong mga convicted criminal, na nahatulan dahil sa karumaldumal na krimen.

Batay sa itinatakda ng RA 10592, hindi kuwalipikado ang mga nahatulang bilanggo na maka-avail sa benepisyo ng nasabing batas kung ang nagawa nitong krimen ay nasa kategoryang karumaldumal.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.