Pangulong Duterte, pinaiimbestigan ang overpriced na COVID-19 testing kits na sinasagot ng PhilHealth

Paiimbestigahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang umano ay overpriced na coronavirus disease o COVID-19 testing kits na sinasagot ng PhilHealth.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang Pangulo ay nababahala sa pagkakaiba ng presyo ng testing kits.

Matatandaan kasi na una nang kinuwestyon ni Senator Franklin Drilon ang halos dobleng halaga ng testing kits, na binabayaran ng pamahalaan kumpara sa private sector.

Kaugnay nito, tiniyak ni Secretary Roque, na ini-refer na niya sa Office of the Special Assistant to the President ang akusasyon ito upang maimbestigahan.

Tumanggi na rin munang magkomento pa si Secretary Roque sa isyung ito, dahil sa aniya ay conflict of interest.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.