Pangulong Duterte, pinakakasuhan ang mga sangkot sa anomalya sa PhilHealth

Nababahala ang Palasyo sa alegasyon ng iregularidad na kinahaharap ngayon ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), partikular ang napaulat na bogus kidney dialysis treatment.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, inatasan na ng Pangulo ang management ng PhilHealth na gumawa ng aksyon laban sa mga opisyal at empleyado na hinayaang magamit sa katiwalian ang pondo ng ahensya sa matagal na panahon.

Inaatasan rin ng Pangulo ang acting president ng PhilHealth, na magsumite ng detalyadong ulat kaugnay sa mga iregularidad na ito.

Sinisiguro ng Palasyo, na mahihinto ang korapsyong ito at mahigpit na maipatutupad ang Universal Health Care law.

Naninindigan ang Palasyo sa posisyon ng administrasyon, na alisin ang korapsyon sa pamahalaan at papanagutin ang lahat ng masasangkot dito.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.