Pangulong Duterte pinalawig ang IATF-Yolanda

Pinalawig ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang buhay ng task force na nagpapatupad ng proyekto at programa sa komunidad na sinalanta ng Super Typhoon Yolanda noong 2013.

Nakasaad sa Administrative Order (AO) 33 na pinapalawig nito ang termino ng Inter-Agency Task Force for the Unified Implementation and Monitoring of Rehabilitation and Recovery Projects and Programs in Yolanda-affected areas (IATF-Yolanda) hanggang sa katapusan ng termino ng Pangulo sa Hunyo 30, 2022.

“The IATF-Yolanda shall be deemed dissolved on June 30, 2022, unless it is sooner terminated by the President,” ang nakasaad sa AO, na epektibo sa lalong madaling panahon.

Ang initial three-year term ng task force ay magtatapos sa Agosto 12, 2020 subalit hindi lingid sa kaalaman ng Chief Executive na marami pang dapat gawin ang task force.

“For instance, 129,484 housing units have so far been completed while 49,112 units were still undergoing construction (89.3% combined accomplishment rate). Also, only 241 of the 363 permanent resettlement projects (66%) have access to electricity,” ayon sa ulat.

“To facilitate the completion of the above projects, as well as the other component programs in the Yolanda Comprehensive Rehabilitation and Recovery Plan, there is a need to extend the term of the IATF-Yolanda,” ang nakasad pa rin sa AO.

Sa kabilang dako, inatasan din ni Pangulong Duterte ang task force sa pamumuno ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na ilathala ang final report ng accomplishments nito, kabilang na ang proyekto at programa na ininplementa at total budget na ginamit bago pa ang dissolution nito.

Nilagdaan ng Pangulo ang AO noong Setyembre 16, ang kopya na ipinalabas ng Malakanyang, araw ng Lunes.

Matatandaang, niragasa ng bagyong Yolanda ang Tacloban at iba pang bahagi ng Visayas noong November 8, 2013, na nagresulta ng pagkamatay ng 6,300 katao at pagkasugat ng 28,000 iba pa.

Ang pinsala na dulot ng super typhoon ay umabot sa P89 bilyong piso.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.