Pangulong Duterte, pinamamadali ang pagbabalik sa normal ng mga lugar na matitinding hinagupit ng super typhoon Rolly

Nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na agad na maibalik sa normal ang sitwasyon sa mga lugar na nasalanta ng bagyo.

Ito ang sinabi ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar sa harap ng ginawang pananalasa ng bagyong Rolly sa kabuhayan, kabahayan, imprastraktura, at produktong pang-agrikultura.

Ayon kay Andanar, pinatitiyak ng Pangulo na nakahanda ang national government na maaasistehan nito ang mga pinaka-apektadong lokal na pamahalaan.

Pagbibigay-diin ng kalihim, importante sa Pangulo na agad-agad na maibalik sa dati ang buhay at pamumuhay ng mga naapektuhang pamilya ng super typhoon.

Nakatutok ani Andanar ang Presidente sa sitwasyon ng iba’t ibang rehiyon na hinagupit ni Rolly kasama na ang mga key officials ng lahat ng kagawaran.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.