Pangulong Duterte, pinapa-pulbos ang Abu Sayyaf Group sa militar

watch the video here:

Inihayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na inatasan ng Pangulong Rodrigo Duterte ang Department of Defense na pulbusin ang lahat ng miyembro at lider ng Abu Sayyaf Group (ASG).

Ayon kay Lorenzana, ito ang ipinag-utos ng Pangulo sa kanyang pagbisita sa Jolo, Sulu kahapon kaugnay ng nangyaring pagpapasabog noong Linggo ng umaga sa Mt. Carmel Cathedral.

Ito’y matapos na matukoy sa pamamagitan ng CCTV footage na mga miyembro ng Adjang-Adjang group ng Abu Sayyaf ang posibleng may gawa ng dalawang pagsabog sa katedral.

Ayon kay Lorenzana ginawa ng Pangulong Duterte ang utos hindi lang dahil sa nangyaring pagsabog sa Jolo, Sulu kundi dahil sa patuloy na karahasang ginagawa ng ASG sa lalawigan.

Nanindigan rin ang Pangulo na hindi kailanman makikipag-negosasyon ang gobyerno sa ASG sa gitna ng patuloy na karahasang ginagawa ng mga bandido sa ilang lugar sa Mindanao.  

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.