Pangulong Duterte, pinatitiyak na may nakahandang pantulong ang pamahalaan sa gitna ng rekomendasyong palawigin ang ECQ

Assistance o pantulong ang nasa isipan ni Pangulong Rodrigo Duterte na dapat maihanda sakali mang magkaruon ng ekstensiyon sa pagpapatupad ng enhance community quarantine.

Pahayag ito ni Presidential spokesperson Harry Roque sa gitna ng napag-uusapang mapalawig ang ECQ base na din sa rekomendasyon ng ilang mga eksperto.

Pero sa ngayon ayon kay Roque ay ubos na ang pondo ng Bayanihan 2 at malaki ang magagawa ng Kongreso para sa kailangang supplemental budget.

Ito ay sa pamamagitan ng pagpasa ng panukalang Bayanihan III.

Ganunpaman, premature pa naman aniya ang lahat at mas maiging hintayin na lang ang magiging resulta ng isang linggong ncr plus bubble at ang isang linggong ECQ.

Ang inaagapan aniya ngayon ay ang matiyak ang kasapatan ng healthcare system upang magamot ang mga tatamaan ng seryosong mga magkakasakit.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.