Pangulong Duterte, planong bumisita sa mga pamilya ng biktima ng Jolo, Sulu bombing

Plano umanong bumisita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga biktima ng Jolo, Sulu bombing bago pa ito bumalik ng Maynila.

Ito ang inihayag ni Senador Bong Go sa panayam nito sa mga tagapagbalita sa Davao City.

Ayon kay Go na sasamahan niya ang Pangulo sa Jolo para makiramay sa mga pamilya ng biktima ng karumaldumal na pagpapasabog.

Dadag ng senador na nais lang din nilang palakasin ang moral ng kasundaluhan na naka-base sa naturang probinsya dahil kabilang din ang mga personahe nito sa mga nabiktima ng pagsabog.

Samantala, balik-normal na ang sitwasyon sa Jolo, Sulu matapos ang kambal na pagsabog noong Lunes, Agosto 24, 2020.

Ayon kay Sulu Mayor Kerkhar Tan, bamaga’t sanay na sila sa mga ganitong pangyayari, naghahanda na sila sa isa pang posibleng pag-atake ng mga terorista sa kanilang siyudad.

Aniya, batay ito sa natanggap nilang intelligence information mula sa militar.

Pinaalalahan naman ni Tan ang mga residente na manatiling mapagmasid sa mga kahina-hinalang mga tao at aktibidad sa kanilang mga lugar.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.