Pangulong Duterte sa DOJ at BuCor: Huwag ire-release si Ex-mayor Sanchez

Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ay tiniyak na hindi makalalabas ng kulungan si dating Calauan Mayor Antonio Sanchez.

Sa panayam kay Senador Bong Go sa pagdiriwang ng National Heroes day sa Libingan ng mga Bayani, sinabi nitong nagbigay na ng direktiba ang Pangulo, kapwa kina  Department of Justice (DOJ) Secretary Meynardo Guevarra at BuCor Chief Nicanor Faeldon.

Utos ani Go ng Presidente sa dalawa, huwag i- release ang convicted rapist at murderer na si Sanchez, na una ng napaulat noong isang linggo na posibleng makalaya.

Binigyang diin ng senador, na pinag-aralan ng Pangulo ang Republic Act 10592, at malinaw naman aniyang hindi saklaw na mabigyan ng karapatang makalaya ang mga presong nahatulan ng guilty dahil sa heinious crime.

Una dito ay nagpahayag na ng pagkagalit ang Presidente sa mga napaulat na posibleng maging malaya si Sanchez, na lumikha ng public outrage

Facebook Comments

1 thought on “Pangulong Duterte sa DOJ at BuCor: Huwag ire-release si Ex-mayor Sanchez

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.