Pangulong Duterte sa mga Bisaya: “Prangkahan lang, ang titigas ng ulo niyo”

Sinabi ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mga bisaya dahil sa pagiging matigas ang ulo bunsod ng pagiging pasaway sa lockdown rules dahilan upang sumirit ang coronavirus disease o COVID-19 cases sa Visayan region.

Sa public address ni Pangulong Duterte ay sinabi nito na nabigo ang mga Cebuanos at Davaoeños na sumunod sa health guidelines na itinakda ng pamahalaan para mapigilan ang paglaganap ng novel coronavirus.

“Mga Bisaya talaga, maski sa Davao, ‘yung mga Bisaya doon, ang titigas talaga ng mga ulo. Hindi mo mapasunod. ‘Yan ang totoo. ‘Yan talaga, prangkahan ko kayo,”ayon sa Pangulo.

“Masuko mo nako. Eh ‘di masuko pud ko ninyo. Do not F with me,” ayon sa Pangulo.

Ayon sa Chief Executive, ang Cebu ang itinuturing ngayon na COVID-19 hotspot dahil sa pagtaas ng coronavirus infections doon.

“Cebu is now the hotspot for COVID. Bakit?… Marami sa inyo ang hindi sumunod,” ayon sa Pangulo.

Ang Cebu City ay nakapagtala ng may pinakamataas na numero ng COVID-19 cases sa bansa, na may 4,639 ‘as of June 29.

Sinundan ito ng Quezon City (3,212); Manila (2,309); Cebu (1,062); at Makati City (972).

Binanatan din ng Pangulo Duterte ang Talisay City sa Cebu.

“Talisay was like a market place everyday. Nag-iinuman kayo diyan, nagsusugal, almost nonchalant of the dangers that are lurking around,” giit pa nito.

Samantala, pinuri naman ng Pangulo ang Metro Manila at ang karatig-lalawigan nito para sa pagsunod sa lockdown rules sa kabila ng mga paglabag.

“There was a substantial compliance. There were violations but not in a scale that I saw in other places,” ayon sa Pangulo.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.