Pangulong Duterte sa mga Chinese na magnenegosyo ng droga, papatayin ko kayo.

Nag-iwan ng babala si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga negosyanteng Chinese na may kapupuntahan ang sinumang magdadala ng iligal na droga o cocaine sa Pilipinas.

Ang banta ay ginawa ng Pangulo sa kanyang pagharap sa Philippines-China Business Forum sa Beijing, China noong Biyernes.

Sinabi ng Pangulo na welcome ang mga negosyanteng magtayo ng negosyo sa Pilipinas subalit huwag gumawa ng labag sa batas.

May mga batas aniyang dapat sundin sa Pilipinas at hiningi na niya ang tulong ng Chinese government para pagtulungang malipol ang mga nasa illegal drug trade.

Sinabi ng Pangulo na papatayin nito ang sinumang magtangkang sirain ang bansa pati na ang ekonomiya.

“So for those who are into drugs, crimes, I am just asking them: Please avoid the Philippines because if you destroy my country with drugs, cocaine and everything, I will kill you. Period,” anang Pangulo.

Pero sinabi ng Pangulo na kung susunod sa batas ng Pilipinas ang negosyante at pagnenegosyo ang pakay ay poprotektahan aniya ang mga ito.

“If you are a law-abiding citizen, if you are a businessman and you are thriving, rich, do not worry, we will protect you. We will protect your money,” ang pagtitiyak ng Pangulo.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.