Pangulong Duterte sa mga NPA, welcome rin na magpabakuna vs. Covid-19 oras na maging available na ito

Sa oras na maging available na sa merkado ang coronavirus disease (COVID-19) vaccine, hindi ito ipagkakait ng pamahalaan sa mga rebelde.

Paliwanag ni Pangulong Rodrigo Duterte, Pilipino pa rin kasi ang mga ito, at ngayon aniya ang panahon upang isantabi muna ang mga away at kaguluhan.

“As a matter of humanity because it is not our money, and because you are a Filipino, okay lang sa akin. Okay lang kung sabihin, ‘Boss, sa unit ako, partisan’. Sabihin ko sa military, ‘Palusutin na ninyo. Hindi na panahon ng away ngayon kasi Pilipino eh.’” —Pangulong Duterte.

Ang nais lamang ng Pangulo, itigil muna ng mga New People’s Army (NPA) ang kanilang pag atake sa militar, at hayaan ang mga medical worker na malayang magampanan ang kanilang tungkulin.

“Huwag ninyong galawin sundalo ko, hayaan ninyong magtrabaho ang mga nurse sa gobyerno. Post-COVID na tayo mag-away ulit.” —Pangulong Duterte.

Ayon kay Pangulong Duterte, bagamat mayroong mga pagkakataon na hindi qualified ang mga NPA, hindi naman aniya maitatanggi na mayroong mga asawa at anak na Pilipino ang mga ito.

“You might not really qualify sometimes but you know, you have a wife, Filipino children. So let’s put one thing at a time. Hindi natin pagsabayin ‘yung hatred, ganun. Huwag lang ninyo galawin ang military. Huwag ninyong galawin ang sundalo ko. Wala kayong ma-ano sa akin.”

Nilinaw naman ni Pangulong Duterte, na hindi cease fire ang ibig niyang sabihin sa pahayag na ito, bagkus ay hayaan lamang muna sana ng mga rebelde na dumaloy ang natural na proseso ng pagtutulungan sa buong bansa.

“Hindi ito unilateral ceasefire. I’m just telling you, stop it, just stop it and allow the normal process of helping the country go ahead.” —Pangulong Duterte.

Matatandaan na una na ring sinabi ng Pangulo, na sa oras na magkaroon na ng bakuna sa Pilipinas, uunahing mabigyan nito ang mga tinamaan na ng COVID-19, health workers, militar, pulis at mga mahihirap na Pilipino.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.