Pangulong Duterte sinibak ang CEO ng Phil Nat’l Oil Co. na si Atty Pedro Aquino Jr

Sinibak ni Pangulong Rodrigo Duterte ang president at chief executive officer ng Philippine National Oil Company-Exploration Corporation (PNOC-EC) na si Atty. Pedro Aquino Jr. dahil nawalan ito ng tiwala sa opisyal.

Ito ang kinumpirma ng Palasyo, dahil anila sa ‘lost of confidence’ ng Pangulo kay Aquino.

Matatandaan na una nang lumutang ang mga balita kaugnay sa maagang pag-apruba ni Aquino sa isang deal o MOA kasama ang isang Russian firm nang walang pag-apruba ng Department of Energy (DOE).

Muling iginiit ng Palasyo na ang direktiba ng Pangulo sa mga opisyal at kawani ng pamahalaan ay umaksyon o kumilos lamang ng naaayon sa batas, at iwasan ang anumang iregularidad.

Binigyang-diin rin ng kalihim na walang sacred cow sa pamahalaan sa laban ng administrasyon kontra katiwalian.  At ang kautusang ito ng Pangulo ay alinsunod sa kaniyang anti-corruption campaign.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.