Pangulong Duterte, tiniyak na balik na sa normal ang sitwasyon sa Disyembre matapos ianunsiyo na may mapagkukunan na ng COVID vaccine

Ginarantiya ni Pangulong Rodrigo Duterte na makakawala na ang bansa sa ‘new normal’ sa December 2020.

Ito’y dahil na rin aniya sa mayroon nang vaccine na maaaring mapagkunan at magamit dangan lang at kailangang dumaan sa proseso bago mai-distribute.

Sinabi ng Pangulo na isang pharmaceutical company sa Britanya, isa sa U.S. at tatlo sa China ang maaaring mapagkunan ng bansa ng COVID vaccine.

Ayon sa Pangulo, ilan sa posibleng makuha ng bansa mula sa China ay ang Sinovac at Sinopharm habang mayroon ding dine-develop na ang Pfizer ganundin ang Johnson & Johnson.

Libre aniyang ipagkakaloob ang bakuna sabi ng Pangulo para sa mga Pilipino na pinakiusapan niyang magtiis-tiis pa ng kaunti at tiyak aniyang sa buwan ng Disyembre ay magiging normal na ang lahat at hindi ‘new normal’.

Prayoridad na mabigyan ng vaccine ay ang mga nasa kategoryang poorest of the poor na siniguro ng Pangulo na kanyang uunahing mabigyan ng pangontra sa COVID.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.