Pangulong Duterte, tiniyak na hindi paaatrasin ang mga barko ng Pilipinas sa WPS, sa ilalim ng kaniyang administrasyon

Siniguro ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi nito paaalisin ang dalawang barko ng Pilipinas na nagpapatrolya sa West Philippine Sea (WPS), sa kasalukuyan.

Ito ayon sa pangulo, ay kahit pa mayroong utang na loob ang Pilipinas sa China, dahil sa mga COVID-19 vaccines na ipinagkaloob nito sa Pilipinas, sa gitna ng pandemiya.

Ayon kay Pangulong Duterte, ayaw niya ng gulo sa China.

Inirerespeto niya ang posisyon nito, tulad ng pagrespeto nila sa posisyon ng Pilipinas.

“Kaya ako sabihin ko sa China ngayon, as I’ve said before to repeat: I am not ready to withdraw. I do not want a quarrel, I do not want trouble, I respect your position and you respect mine. But we will not go to war.” giit ni Pangulong Duterte. 

Gayunpaman, tiniyak ng pangulo na hindi niya paaatrasin ang dalawang barko ng Pilipinas, na kasalukuyang nagpa-patrolya sa Kalayaan Group of Islands hanggang sa Mischief Reef.

“It’s not wrong to admit na inferior ka in terms of might and power. Hindi naman masama magprangka ka, ito lang talaga ang kakayanan ko. Pero huwag mo naman akong kayahin. Ngayon, hindi talaga ako aatras. Patayin mo man ako kung patayin mo ako, dito ako. Dito magtatapos ang ating pagkakaibigan.” pahayag ni Pangulong Duterte.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.