WATCH: Pangulong Duterte, tiniyak na hindi palalayain si Sanchez at mabulok sa kulungan

Matapos maghimutok ang publiko, direkta nang inatasan ni Pangulong Duterte ang Bureau of Corrections (BuCor) na huwag palayain ang convicted rapist at murderer na si dating Calauan Mayor Antonio Sanchez.

watch the video here:

Sinabi ni Senador Christopher “Bong” Go na inutos ito ni Duterte matapos mabatid na hindi kasama sa bibigyan ng “good conduct time allowance” ang mga bilanggong nakagawa ng karumal-dumal na krimen.

“I heard from President Duterte that he has issued an order. Sanchez should not be released upon the order of the higher authority. Meaning, who is the higher authority? No one else but the president of the Republic of the Philippines,” ani Go, dating aide ni Duterte, kahapon sa Libingan ng mga Bayani.

“He has relayed to BuCor chief (Nicanor) Faeldon and (Justice) Secretary (Menardo) Guevarra that he (Sanchez) cannot be released,” dagdag nito.

Naniniwala aniya si Pangulong Duterte na hindi saklaw ng Republic Act 10592 ang mga nakagawa ng karumal-dumal na krimen gaya ng kasalanang pinagdudusahan ngayon ni Sanchez sa Bilibid.

“Abugado po ang Pangulo. Pinag-aaralan niya ang batas. Excluded po siya (Sanchez) dun sa Republic Act 10592, sa Section 1, excluded ang lahat ng heinous crimes,” ani Go.

Sinabi rin ng senador na ibinigay ang utos ng Pangulo kina Guevarra at Faeldon noong Miyerkules ng gabi, Agosto 21.

Kinumpirma din ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, dating legal counsel ni Sanchez, ang utos ni Duterte sa Department of Justice at BuCor.

“The law is very clear… I talked to the President. He said the very night it (balita tungkol sa napipintong paglaya ni Sanchez) came out, he called commissioner Faeldon, Bucor chief, and informed him about his stand,” sabi ni Panelo sa CNN Philippines kahapon.

Nahatulang mabilanggo si Sanchez ng pitong counts ng panghabang-buhay na pagkabilanggo dahil sa panghahalay at pagpatay sa estudyanteng si Eileen Sarmenta at kasama nitong si Allan Gomez noong 1993.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.