Pangulong Duterte, tiniyak na igigiit ang arbitral ruling sa nakatakda niyang pagbisita sa China

Determinado si Pangulong Rodrigo Duterte na igiit ang naipanalong arbitral ruling ng Pilipinas laban sa China sa usapin sa West Philippine Sea, sa nakatakda niyang working visit ngayong Agosto.

watch the video here:

Sa talumpati ng Pangulo sa inagurasyon ng Solar Power Project sa Romblon, sinabi niyang ang arbitral ruling ang unang usapin na bubuksan niya, nais man ito ni Chinese President Xi Jinping o hindi.

Ayon sa Pangulo, bilang presidente ng isang bansang may soberanya kung pipigilan lang siyang talakayin ang mga bagay na nais niyang talakayin ay mas makabubuting itigil na lamang ang mga pag-uusap.

Pasensyahan ayon sa Pangulo, kung ikakagalit man o ikatutuwa ng mga ito, ngunit kailangan na raw talakayin ang arbitral ruling.

Binigyang diin naman ng Pangulo, na hindi makikipag-giyera ang Pilipinas sa China, bagkus pag-uusapan nila ang pagresolba ng problema sa mapayapang paraan.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.