Pangulong Duterte, tiniyak sa US na ilalaan sa mga mahihirap na Pilipino ang donasyon nilang bakuna sa Pilipinas

Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na makararating sa mga mahihirap na Pilipino ang donasyong bakuna ng Estados Unidos.

Sa pagtanggap ng pangulo ng 3,000,060 doses ng Moderna COVID-19 vaccines ngayong hapon, sinabi nito na batid niya ang sentimyento ng mga Amerikano na ang dapat na unang makatanggap ng mga bakunang ito ay iyong mga hindi kayang bumili ng sarili nilang bakuna.

Ayon sa pangulo, makakaasa ang mga ito, na susundin ng pamahalaan ang direktibang ito.

Kahit aniya mayroong mga mahihirap na Pilipino na ayaw pa ring magpabakuna, gagawin naman ng gobyerno ang lahat, upang matiyak na magpapaturok ang mga ito ng COVID-19 vaccines na donasyon ng US.

“These vaccines which America donated carry with it the sentiment that it’d be given to the least of those Filipinos who cannot afford. Rest assured that everybody will follow that directive.” ani Pangulong Duterte.

Kaugnay nito, nagpasalamat ang pangulo sa pamahalaan ng US at sa COVAX facility, sa mga suportang ipinagkaloob nito sa bansa, sa gitna ng COVID-19 pandemic.

“All of these have helped, definitely will continue to help the Filipino people. Indeed, the cooperation between the Philippines and US in overcoming the pandemic highlights the strong and deep friendship between out two countries.” pahayag ni Pangulong Duterte.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.