Pangulong Duterte, tiwala sa COVID-19 vaccine mula sa China

Tiwala si Pangulong Rodrigo Duterte sa COVID-19 vaccine na dine-developed ng China.

Ito ang inihayag ni Pangulong Duterte sa kanyang ulat sa bayan ni Pangulong Rodrigo Duterte, kasama ang mga miyembro ng gabinete.

Sinabi pa ng pangulo na nakahanap na ito ng pondo para sa bibilhing mga bakuna at patuloy pa itong dadagdagan para mabigyan lahat ang nasa 130 milyong populasyon ng Pilipinas.

Tiniyak din ni Duterte sa publiko ang kaligtasan ng mga pinag-aaralang COVID-19 vaccine ng China.

Binigyang diin naman nito na uunahin mababakunahaan ang mga mahihirap na pamilya maging ang mga sundalo at mga pulis.

Samantala, iniulat naman ni Secretary Carlito Galvez Jr., ang chief implementer sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) na mas napapaigting na ng mga local government unit ang ginagawa nilang contact tracing upang maiwasan ang pagkalat pa ng COVID-19 sa bansa.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.