Pangulong Duterte, tutok sa ginagawang rescue operation sa Cagayan kahit pa nagpapatuloy ang ASEAN Summit

On top of the situation si Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa nagpapatuloy na rescue operation sa Region II.

Ito ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque ay kahit pa patuloy rin ang pakikibahagi ng Pangulo sa ika-37 Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit na isinasagawa ngayon sa pamamagitan ng video conferencing.

Ayon sa kalihim, kaninang umaga, si Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin Jr., ang nagbasa ng talumpati ng pangulo sa ASEAN Summit, dahil nagsu-supervise si Pangulong Duterte sa pagpapadala ng tulong at rescue teams gamit ang air assets ng pamahalaan.

Sinabi ni Secretary Roque na patuloy rin ang koordination ni Pangulong Duterte kay Defense Secretary Delfin Lorenzana at kay National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Director Ricardo Jalad para sa mga pinakahuling ulat kaugnay dito.

Tuloy – tuloy rin aniya ang pakikipag-ugnayan ng pangulo sa Department of Health (DOH) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa pagbibigay ayuda at suporta ng pamahalaan sa mga residente sa Cagayan Valley.

Samantala, posible naman aniyang magsagawa ng aerial inspection si Pangulong Duterte sa Region II lalo’t nakagawian na ito ng pangulo.

Bagamat mahirap ang movement sa kasalukuyan dahil bukod sa COVID-19 ay nariyan rin ang ASEAN Summit, gagawan aniya ito ng paraan ni Pangulong Duterte upang makaikot sa mga niragasa ng baha.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.