Pangulong Duterte umaasa sa mas maayos na samahan ng PH-China ngayong Year of the Ox

Hangad ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na magkaroon ng mas matatag na relasyon ang Pilipinas at China ngayong taon habang ang buong mundo ay nagdiriwang ng Year of the Ox.

Sa isang video message na pinost ng Chinese Embassy sa Manila sa kanyang Twitter account, umaga ng araw ng Sabado ay makikita rito na hangad ng Punong Ehekutibo na ie-enjoy ng dalawang bansa ang kanilang magandang ugnayan ngayong taon.

“I would like to greet President Xi Jinping and the Chinese people a Happy Lunar New Year celebration,” ayon sa Pangulo.

“May this new year find us all working together to further strengthen the friendship and cooperation between our governments and people,” dagdag na pahayag nito.

Hangad din ng Pangulo na ngayong Year of the Ox ay maging rewarding para sa lahat lalo pa’t lahat ay naging masigasig sa kanilang trabaho partikular na sa panahon ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

Sa kabilang dao, sa kalatas naman na ipinalabas ni Communications Secretary Martin Andanar, hangad din nito na ang ang taong 2021 ay taon para makabangon at makabawi na ang lahat mula sa epekto ng krisis sa pangkalusugan.

“The year 2020 has been a challenging year in many ways for everyone around the globe due to the COVID-19 pandemic. However, we have all strived to endure these challenges together,” ayon kay Sec. Andanar sabay sabing “May 2021 be the year for our collective recovery from the virus and the effects it has had on our lives, as we continue to undertake measures to ensure our commitment in this regard.”

Gayunpaman, pinaalalahanan niya ang publiko na palaging isaisip ang health protocols habang ipinagiriwang ang Year of the Ox.

“As we celebrate this occasion, let’s be reminded of the health protocols and minimum health standards to minimize the transmission of the virus.”

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.