Pangulong Duterte, umuwe na ng Davao City para bisitahin ang pamilya

Umuwi sa Davao City si Pangulong Rodrigo Duterte kaninang hating-gabi matapos dumaan ang bagyong Ambo sa Metro Manila.

Ito ang kinumpirma ni Presidential Spokesperson Harry Roque ngayong hapon, matapos ang pananatili ng Pangulo sa Malacañang ng halos dalawang buwan sa gitna ng nararansang health crisis sa bansa dala ng COVID-19.

Ayon kay Secretary Roque, sakay ng private plane ang Pangulo, dahil suspendido ang mga commercial flights sa kasalukuyan.

Matatandaan na noong Abril, una nang inihayag ng Pangulo na nais niyang umuwi sa Davao para sa kaarawan ng kaniyang anak, ngunit hindi niya magawa dahil bukod sa umiiral na Enhanced Commumity Quarantine (ECQ) sa buong Luzon noon, ay hindi rin siya papayagan na lumapag doon ni Davao City Mayor Sara Duterte.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.