Pangulong Duterte walang paki-alam sa ABS-CBN franchise – Speaker Cayetano

Nilinaw ni House Speaker Alan Peter Cayetano na kailanman ay hindi sila diniktahan o pinakialaman ni Pangulong Rodrigo Duterte sa usapin ng prangkisa ng ABS-CBN.

Partikular kung bibigyan ito o hindi ng bagong prangkisa.

“The President has never told me to grant or not grant the franchise to

ABS-CBN Corp.,” giit ni Cayetano.

Buwelta ito ni Cayetano sa akusasyon ng ilang kongresista partikular ang Makabayan Bloc sa pangunguna ni Rep. Carlos Zarate na may kinalaman ang Pangulo sa nangyari sa naturang network.

“Hindi ko kokontrahin o sasang-ayunan ‘yung sinabi ni Congressman Carlos Zarate o kung sino man ang nagsasabi but I can tell you and look you in the eyes na ang ano sa akin ni Presidente is just be fair, bahala kayo diyan,” paglilinaw pa ni Cayetano.

Hindi umano tama na akusahan ang liderato ng Kamara na pro o anti-ABS-CBN sa halip ay may kanya-kanyang posisyon ang bawat isa.

Sa susunod na linggo na sisimulan ng committee on legislative franchises ang pagdinig nito kaugnay sa panukalang pagbibigay ng panibagong 25-year broadcast franchise sa naturang network.

Una nang tiniyak ni Cayetano na asahan ang isang patas, komprehensibo at malawakang pagdinig.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.