Pangulong Duterte, walang interes na tumagal pa ang termino lampas ng Hunyo 2022 —Palasyo

Hindi interesado si Pangulong Rodrigo Duterte na humaba pa ang kanyang termino.

Ito ang binigyang-diin ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa harap ng umanoy pagsusulong na huwag na munang ituloy ang 2022 national elections.

Pagbibigay-diin ni Roque, walang interes ang Punong Ehekutibo na ma-extend pa ang kanyang panunungkulan.

Muling iginiit ng Palasyo na ang pagsusulong ng suspensyon sa halalan ay dapat gawin sa pamamagitan ng pag- aamyenda sa umiiral na batas.

Labag aniya sa konstitusyon ang pagpapaliban sa eleksyon at malinaw aniya ang isinaaaad ng 1987 Constitution na dapat isagawa ang halalan sa ikalawang Lunes ng buwan ng Mayo kada anim na taon.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.