Pangulong Duterte, walang kinalaman sa pagbagsak ng ekonomiya

Naniniwala ang kilalang political analyst na hindi si Pangulong Rodrigo Duterte ang dahilan ng pagbagsak ngayon ng ekonomiya ng bansa.

Sa forum ng National Press Club, sinabi ni Mon Casiple na hindi kasalanan ng Pangulo kung nakaranas ng paghilahod ng kabuhayan ng bansa.

Binanggit ni Casiple na sa mga unang taon ng Pangulo ay naging maganda ang paglago ng ekonomiya isama na rito ang iba’t ibang programa ng pamahalaan gaya ng build build build.

Ayon kay Casiple ang pagbagsak ng ekonomiya ay dahil sa dalawang insidente, ang una ay ang Marawi siege at ang ikalawa ay ang pandemic na dala ng COVID- 19.

Sa krisis ng Marawi, marami aniyang naapektuhan ngunit sinabi ni Casiple na naresolba ito ng administrasyon at nakapagdulot ng pagbabago sa militar.

Sa usapin naman ng pandemic, sinabi ni Casiple na hindi lamang problema ng kalusugan ang tinamaan kundi ang ekonomiya na sa halip na magkatuluy-tuloy ang paglago ay nabalam at bumagsak sa negative 9 percent.

Ito aniya ang pinakamalalang paghilahod ng ekonomiya ng bansa mula noong World War 2.

Kaya ang pagbagsak aniyang ito ng ekonomiya ay hindi dapat isisi sa Pangulo.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.