Pangulong Rodrigo Duterte, pagkakalooban ng honorary doctorate degree sa Moscow

Pagkakalooban ng honorary doctorate degree for diplomacy si Pangulong Rodrigo Duterte ng Moscow State Institute of International Relations.

Ito ang tangi at kauna-unahang doctorate degree na tinanggap ng Presidente sa gitna ng mga nagdaang alok mula sa iba’t-ibang mga bansa kasama na ang Pilipinas tungkol sa alok ng naturang titulo sa Pangulo.

Ang nasabing unibersidad ang itinuturing na top university sa  Russia na ang pokus ay tungkol sa international relations.

Sinabi ni Philippine Ambassador to Russia Carlos Sorreta na ang ipagkakaloob na doctorate degree kay Pangulong Duterte ay gagawin kaalinsabay ng gagawin nitong pagsasalita sa nabanggit na unibersidad kung saan duon din sinasanay ang mga diplomat sa Moscow.

Inaasahan na magiging talumpati duon ng Pangulong Duterte sa Sabado, October 5 sa harap ng mga estudyante at faculty ang tungkol sa hinaharap ng Pilipinas at Russia.

Kinumpirma din ni Sorreta na tatanggap ng mga katanungan ang Pangulo mula sa mga estudyante sa gagawing mini dialogue.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.