Pangungutang ng ABS-CBN sa DBP, pasok sa plunder – Rep. Mike Defensor

Hindi patas ang pito hanggang sampung taon na hindi pagbayad ng ABS-CBN sa utang nito sa Development Bank of the Philippines (DBP) at nagkaroon pa sila ng exit.

Ito ang naging sentimento ni Anakalusugan Partylist Rep. Mike Defensor sa panayam ng Sonshine radio kaugnay nga sa ₱144 million na utang ng ABS-CBN na hindi nabayaran.

“Sabi ko, dito sa kanila merong 144 million (pesos) na pinagbigyan ninyo (DBP). wala lang tinanggal lang. allowed naman yan no, hindi ko naman sinasabi na hindi allowed yan pero grabe naman. pagka-mayaman nagka-utang, eh basta-basta, wala na. pagka-mahirap, eh talagang papahirapan. pito hanggang sampung taon ang hindi nakapagbayad, binigyan sila ng exit, ilang taon lang, ay dahil nga naka-diskwento, naayos na nila. nalugi ang gobyerno.”

Nakakapagtataka din aniya kung bakit tinanggal ng DBP ang collateral ng utang dahil ito na nga lang ang pinaghahawakan ng isang financial institution sa lahat ng nangungutang sa kanila.

Sinabi pa nito na pasok sa plunder law ang naturang pangungutang ng ABS-CBN .

Samantala, depensa naman ng DBP noon sa isinagawang imbestigayon sa Kamara, ginawa ang kasunduan sa panahon ng Global and Asian Financial Crisis.

Ginawa ang pagbenta ng loans para masuportuhan noon ang naghihikahos ang financial institutions noong 2006.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.